Martes, Oktubre 18, 2011

ESSAY IN HUMANITIES(TAGALOG)


May Silbi pa ba ang Pagsusulat?

Maraming kapwa nating mga Pilipino ang naging tanyag at hinahangaan sa larangan ng pagsusulat. Ang kanilang mga gawa ay matatawag na kahanga-hanga dahil sa epekto nito sa mambabasa at ang ideyang nakapaloob mismo sa kanilang mga gawa. Ang kanilang mga isinusulat ay sumasalamin sa ating lipunan, pagkatao, tradisyon at kultura, at iba pa. Ang ating mga manunulat ay may pinaglalaban, at ang kanilang mga sandata ay ang tinta at papel. Hindi madugo ang kanilang pakikipaglaban, ang kagustuhan lamang nila ay mailabas ang kanilang mga ideya at and katotohan sa likod ng mga kasinungalingan sa ating lipunan. Sa ating henerasyon kaya, ganito din kaya ang kanilang pakikipaglaban?
Ang pagsusulat ay isang pamamaraan ng pagpapahayag ng ating mga saloobin at ideya. Sa iba, ito na ang kanilang buhay dahil sa pag-ibig nila sa pagsusulat.Ito ay nakapag-papabago ng paniniwala at pag-iisip ng tao, at yan ang hiwaga ng pagsusulat.
Ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng pagsusulat ay gaya rin naman sa pakikipaglaban gamit ang baril o anumang sandata. Kailangan hanggang sa huli ay hawak mo at pinaninindigan mo ang iyong pinaglalaban. Kung ipinaglalaban mong maisiwalat ang katotohan sa lahat, kailangan bawat letra at salita na iyong isusulat ay pawang totoo at hindi kasinungalingan. Diyan makikilala ang manunulat na may paninindigan. Ang bawat isa sa atin may karapatang magsulat at ibahagi ang nalalaman. Mahalaga ang pagsusulat sapagkat dito natin nailalabas ang ating totoong emosyon na meron tayo at ito  ay mas makapangyarihan kaysa sa iba. Ang pagsusulat ay hindi dahas na pakikipaglaban ngunit ito ay tahimik at maimpluwensyang pagpapahayag ng mga ideya at katotohanan. Malaki ang nagagawa ng pagsusulat sa tao. Kaya nitong bagguhin ang emosyon ng tao, paniniwala sa buhay, pagkilala sa tao at sa ating lipunan. Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga manunulat sa ating lipunan. Responsibilidad nilang malaman ang katotohanan at maikalat ito sa tao, kung kaya’t ang pagiging isang manunulat ay hindi biro.
An kahalagahan ng pagsusulat ay gaya rin ng pagpapahalaga sa ating bayan. Gaya ng mga ginawa ng mga una nating mga manunulat na ginugol nila ang kanilang buhay at panahon para sa pagsusulat. Ang pagsusulat ay kailan man hindi magiging walang silbi sapagkat hanggang may mga taong mahilig magsulat may mga taong magbabasa at magbabasa ng kanilang mga naisulat at ito ang magiging inspirasyon nila upang magsulat pa nang magsulat.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento